424

Jan 24, 2021 @ 18:33

Pinagdausan ng birthday ni Mond Gutierrez sinampolan ni Cayetano

Pinag-utos ni Taguig Mayor Lino Cayetano ang pagpapasara sa La Picara Manila sa Bonifacio Global City matapos umanong umulit sa paglabag sa health protocol sa kabila ng ilang mga paalala na pinadala sa may-ari ng mga ito na sina Spanish expats Isabel Calvo at Felipe Antonio Díaz.

Ang pinakahuli umano ay nangyari sa nakaraang birthday dinner ng celebrity na si Raymond Gutierrez.

Ayon kay Cayetano simula Setyembre 2020 lumalabag na ang La Picarra sa COVID protocol.

“While we are aggressive in wanting all business to reopen, there are some restaurants and tenants which are just abusive. Their co-tenants are the ones reporting to us their rampant violations,” sabi ni Cayetano.

Dagdag ng alkalde, naging bingi umano sina Calvo at Diaz sa mga babala ng Ayala Land, may-ari ng One Bonifacio High Street Mall.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Cayetano na ang pagsasara sa La Picara ay nagpapakita ng mabilis na pag-aksyon sa mga negosyanteng iresponsable habang may pandemya.

Usap-usapan sa social media ang nasabing insidente, na ayon sa mga netizen ay pagiging iresponsable rin ng mga celebrity na sangkot sa party at hindi iniisip ang mga taong mawawalan ng trabaho dahil sa pagpapasara sa restaurant.

“Happy Birthday and congratulations to Mond Gutierrez and friends for singlehandedly defying COVID restrictions and now shutting down La Pícara – which will most definitely result in people losing their jobs. Guess you can get away with anything when you’re rich and famous! Anyway, how was the party?” ayon pa sa isang Facebook page.

Kasabay ng pagpangalan sa iba pang sikat na personalidad na kasama umano sa party tulad nina KC Del Rosario, Sarah Lahbati, Yassi Pressman, Issa Pressman, at Kobe Paras.

Patutsada pa ng isang netizen, “Nasa Pinas nga pala tayo.. hindi nakakasuhan ang mga mayayaman at sikat.”

Taong 2019 nang buksan ang naturang Spanish restaurant sa Taguig.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?