80

Jan 3, 2020 @ 15:15
By

Pinagbabato! PNR nabasagan ng windshield

Hindi pa rin nadadala ang mga taong trip ang tren ng Philippine National Railways (PNR).

Ito’y matapos na mabasag ang windshield ng isang PNR tren dahil sa pamamato sa bandang Caloocan City noong Bagong Taon.

Ito ang ika-14 na insidente ng pamamato sa PNR, kaya naman nananawagan na ang Department of Transportation sa publiko na tulungan sila para mahuli ang mga nambabato sa tren.

Matatandaan na nireklamo din ng DOTr ang pag-iiwan ng debris ng ilang salarin sa riles ng mga tren na lubhang makakasira sa mga dadaan na PNR train.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?