108

Apr 13, 2021 @ 19:28
By

Pinagalitan Chinese envoy! Reporter nag-shout out kay DFA Usec. Buensuceso

Saludo si GMA reporter Emil Sumangil sa ipinamalas na malasakit sa bayan ni Foreign Affairs Acting Undersecretary Elizabeth Buensuceso.

Ito ay matapos ipatawag ni Buensuceso si Chinese Ambassador Huang Xilian sa kanyang opisina.

Ayon sa ulat, pinagalitan ni Buensuceso ang Chinese ambassador dahil sa kabastusan at aroganteng mga komento nito laban sa pahayag ng iba pang opisyal ng pamahalaan na nagtutulak para mapalayas ang mga barko ng Tsina sa Julian Felipe Reef at karatig pang mga isla.

Pinangaralan din umano ni Buensuceso si Huang na parte ng exclusive economic zone ng Pilipinas ang Julian Felipe Reef.

“Makarating sana sa iyo Foreign Affairs Undersecretary Elizabeth Buensuceso ang aking taos sa pusong paghanga, kasama ng iba pang kababayan natin may malasakit sa bayan na nakaka-alam ng iyong ginawa. Siya ang kawani ng gobyerno na nagpatawag sa EMBAHADOR ng Tsina sa kanyang opisina kanina,” sabi sa Facebook post ni Sumangil.

“Kailangan ka ng mga Pilipino, ma’am. Stay healthy! GOD protect you! Wear facemask always MA’AM to be safe from Covid-19 na galing sa kanila,” hirit pa ng journalist.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?