64

Jan 13, 2022 @ 18:43
By

Pinadaling proseso ng pag-ampon batas na

Magiging mas madali na ang proseso para sa pag-aampon ng bata matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong batas ang Republic Act No. 11642 o ang “Domestic Administrative Adoption and Alternative Child Care Act”.

Sa ilalim ng bagong batas, kinikilala ng estado na dapat ang bata ay nasa pangangalaga at pag-aruga ng mga magulang subalit ikonsidera din ang pinakamabuti para sa interes nito gaya ng alternatibong pangangalaga, kustodiya at pagpapaampon.

Nakasaad din sa bagong batas ang pagreorganisa sa Inter-Country Adoption Board para maging one-stop quasi-judicial agency para sa alternative child care na tatawaging National Authority for Child Care (NACC) na nasa ilalim ng Department of Social Welfare and Development.

“All duties ,functions and responsibilities of the ICAB! The DSWD, and those other government agencies relating to alternative child care and adoption are hereby transferred to the NACC,” anang batas.

Ang NACC ang titiyak para sa mas simple,mabilis at hindi magastos na proseso ng pag-aampon, kabilang na dito ang pag-iisyu ng dokumento na magdedeklara para sa legal na pag-aampon ng bata, domestic at inter-country adoption, foster care at iba pa.

Nakasaad din sa probisyon ng batas ang pagbuo ng Regional Alternative Child Care Office sa bawat rehiyn sa bansa para masiguro ang maayos na pag-usad ng mga petisyon ng pag-aampon.

Para maprotektahan ang kapakanan ng batang aampunin, kinakailangan ang home study report o written report ng mag-aampon na magtitiyak sa kakayahan ng mga ito na mag-alaga sa bata

Ang batas ay pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte noong January 6, 2022 at ngayon lamang inilabas ng Malacañang ang kopya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?