94

Mar 2, 2021 @ 15:28
By

Pinaboran sa kasong rebelyon: Trillanes pasalamat sa CA

“Today, the rule of law prevailed.”

Ito ang reaksyon ni dating senador Antonio Trillanes IV matapos paboran ng Court of Appeals (CA) 6th Division ang apela niyang ibasura ang binuhay na kasong rebelyon laban sa kanya ni Makati City Regional Trial Court Branch 150 Judge Elmo Alameda matapos kanselahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang amnestiya niya noong 2018.

“Nagpapasalamat ako sa mga CA justices na gumawa ng desisyong ito. Sana all judges and justices ay may ganitong sense of justice to check the prevailing authoritarianism in the country,” tweet ni Trillanes, March 2.

Nauna nang binasura ni Makati RTC 148 Judge Andres Soriano ang mosyon ng Department of Justice na buhayin ang coup d’etat case laban kay Trillanes.

Nag-ugat ang mga kasong rebelyon at coup d’etat ni Trillanes nang okupahan nila, kasama ang iba pang Magdalo soldier, ang Oakwood Hotel sa Makati City noong 2003 at Manila Peninsula Hotel noong 2007 upang iprotesta ang umano’y korapsyon sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Nakulong siya ng pitong taon bago pinagkalooban ng amnestiya ni dating Pangulong Benigno Aquino III taong 2011.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?