5
chess4
By

Pimentel siga sa San Nicolas Chess

Sharing is caring!

Kinalawit ni International Master Joel Pimentel ng Bacolod City ang korona sa 1st San Nicolas College High School Class 76 Chess Cup na isinagawa sa Pinoy Chess Club Online (PCConline) Chess Challenge Facebook site.

Miyembro ng multi-titled Philippine Army chess team at dating pambato ng Lyceum of the Philippines, nakaipon si Pimentel ng 6.0 puntos para makopo ang titulo at top prize P1,500 sa event na inorganisa ni Pinoy Chess Club Online Facilitator, Arbiter FNA Noel Morales.

Nasa ikalawang puwesto si Fide Master Sander Severino matapos makalikom ng 5.0 puntos tungo sa pagsubi sa runner-up prize na P1,000.

Nasubi naman ni Timothy John So Kua ang P700 para sa third place prize na may 5.0 puntos.

Pang-apat si Vince Angelo Medina na may 4.0 puntos para sa fourth place prize na P500 habang naiuwi naman ni Woman Fide Master Cherry Ann Mejia ang P300 para sa Top Lady award.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?