21
koko1
By

Pimentel sa DILG: Ihabla n’yo kung may ebidensiya vs vote buyers

Hinamon ni Senate President Koko Pimentel ang Department of Interior and Local Government (DILG) na magsampa na ng kaso sa korte kung talagang may hawak itong ebidensiya laban sa mga politiko na diumano ay sangkot sa vote-buying nitong nagdaang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Ayon kay Pimentel, hindi na kailangang mag-imbestiga rito ng Senado o ng Kamara dahil puwede namang dumiretso sa paghahabla ang DILG.

“No need for investigation anymore. Just immediate action. DILG Should act based on the evidence they have,” diin nito.

Una nang sinabi ni DILG Undersecretary Martin Diño na nakatanggap sila ng mga impormasyon at reklamo na sangkot sa vote-buying ang may 100 kongresista; higit 1,000 gobernador; alkalde at barangay officials.

Sinabi ni Diño na posibleng may ilan dito na kasapi ng PDP Laban kung saan miyembro ito pati si Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Pimentel ang pangulo ng PDP Laban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?