koko3
By

Pimentel sa balitang papalitan na siya: Walang mangyayari sa Lunes!

Sharing is caring!

Kinontra ni Senate President Koko Pimentel III ang kumalat na isyung si Senate Majority Leader Tito Sotto na ang uupo sa kanyang puwesto sa Lunes.

Ayon kay Pimentel, walang ganitong mangyayari sa Lunes.

“Nothing will happen on Monday,” ani Pimentel.

Ang kumpirmado aniya ay ang caucus nilang 17 senador na kasapi ng buong majority bloc.

Una rito, sinabi ng mga source, na mayroon nang “statement of support” para kay Sotto ang 14 na senador mula sa majority bloc.

Magiging 15 pa umano pagdating ni Senadora Grace Poe buhat sa ibang bansa.

Sinabi ng source na sina Pimentel at Sotto lang ang hindi nakalagda sa “statement of support”.

Ayon kay Pimentel, wala siyang nalalaman ukol sa sinasabing resolusyon o “statement of support” dahil walang binabanggit ukol dito si Sotto.

“I have no idea about that resolution because Tito Sen has not mentioned it to me. Open naman communication lines namin,” ani Pimentel.

Wala namang balak si Pimentel na magsagawa ng loyalty check sa majority bloc.

“No need to do that as I am very willing to be replaced (but by someone whose term goes beyond June 30, 2019 so that we will still have an SP after that date; and Sen. Sotto also complies with that),” ani Pimentel.

Pasok na pasok aniya sa kuwalipikasyong ito si Sotto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?