256

Pimentel, Roque, 5 iba pa, pasok sa senatorial lineup ng PDP-Laban, Hugpong

Sigurado nang magiging common senatorial candidates ng Hugpong ng Pagbabago Party (HPP) at Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ang pitong pangalan na karamihan ay mga opisyal ng administrasyong Duterte.

Ito ay sina Senate President Koko Pimentel, presidential adviser on political affairs Francis Tolentino, Maguindanao Rep. Zajid Mangudadatu, presidential spokesperson Harry Roque, GMA7 reporter Jiggy Manicad, Bureau of Corrections (BuCor) chief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, at Special Assistant to the President Bong Go.

Ayon sa isang kongresista na tumangging magpabanggit ng pangalan, sa naganap na pulong sa Israel trip ni Pangulong Rodrigo Duterte, nagkasundo rin sina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, chairman ng HPG at Energy Sec. Alfonso Cusi, vice chairman ng PDP-Laban, na isapinal ang Magic 12 sa lalong madaling panahon,

“These are sure common candidates of Hugpong and PDP-Laban. Mayor Sarah and Sec. Al made this agreement during President Duterte’s Israel trip,” sabi ng source.

Patuloy pa rin anyang kinukumbinsi ni Cusi si Mayor Sara na tumakbo sa Senado.

Pinag-aaralan rin daw ng dalawang partido na gawing common candidates ang re-electionist senators na sina Sonny Angara, Cynthia Villar, at JV Ejercito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?