27

Jul 2, 2020 @ 9:52

Pimentel pinasasagot sa quarantine violation

Binigyan ng mga state prosecutor si Senador Aquilino `Koko’ Pimentel III ng hanggang Hulyo 15 para maghain ng counter-affidavit hinggil sa akusasyon sa kanya ng paglabag sa enhanced community quarantine (ECQ) protocol.

“We will leave it to him how he will answer the charges,” pahayag ni Prosecutor General Benedicto Malcontento, sa mga reporter nitong Miyerkoles.

Ituturing aniya ng mga prosecutor na `submitted for decision’ na ang kaso maliban na
lang kung maghahain ng kasagutan ang mga partidong sangkot dito.
Inihain noong Abril, 2020 ng abogadong si Rico Quicho ang reklamo laban kay Pimentel dahil sa paglabag aniya nito sa Republic Act No. 11332 o Mandatory reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

Matatandaang inihayag noong Marso, 2020 ng Makati Medical Center (MMC) na nilabag ni Pimentel ang infection at containment protocol nila nang ihatid nito sa ospital ang kanyang asawa na manganganak sa pamamagitan ng cesarean section.

Ayon sa MMC, in-expose ni Pimentel ang kanilang mga health worker sa posibleng infection matapos malaman na positibo ang senador sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?