27

Apr 14, 2020 @ 18:59
By

Pimentel pina-subpoena na ng DOJ

Nag-isyu ang Department of Justice (DOJ) ng subpoena nitong Abril 14 laban kay Senador Aquilino “Koko” Pimentel III dahil sa paglabag sa quarantine protocol.

Naghain ng reklamo laban sa senador si Atty. Rico Quicho, dating dean ng University of Makati School of Law.

Giit ni Quicho, nilabag ng mambabatas ang Republic Act No. 11332 nang samahan ang kanyang buntis na asawa sa Makati Medical Center noong Marso 24 sa kabila na may mga sintomas siya ng coronavirus at hinihintay ang resulta ng kanyang COVID test.

Habang nasa ospital ay saka nakumpirma na positibo si Pimentel sa COVID-19.

Nauna nang sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na agad itatakda ang preliminary investigation sa reklamo laban kay Pimentel matapos ang Luzon-wide lockdown.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?