439
tito-sotto
By

Pimentel papalitan na ni Sotto sa susunod na linggo

Sharing is caring!

Tiyak na umanong papalitan ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III si Senate President Koko Pimentel sa puwesto sa mga susunod na araw o linggo.

Ayon sa source ng ABANTE, ang tamang “tiyempo” na lang ang hinihintay.

Isa sa mga ikinukonsidera sa tiyempo ang magiging resulta ng botohan bukas sa quo warranto petition laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sinabi ng source na kapag pinatalsik bukas si Sereno, maaring sa susunod na linggo na iboto ng mayorya ng mga senador si Sotto para pumalit kay Pimentel.

Nangangahulugan kasi ito na wala nang magaganap na impeachment trial laban kay Sereno.

Ayon sa source, bagaman malakas na ang suporta kay Sotto ng nakararaming senador, aminado ito na kailangang si Pimentel ang Senate President kapag may impeachment trial.

Sa impeachment court, ang pangulo ng Senado ang presiding officer at mas makabubuting abogado ito para kabisado ang Rules of Court.

Mas kabisado ni Sotto ang Rules ng Senado dahil maraming taon na itong chairman ng Senate committee on Rules at Majority Leader ng Senado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?