30

Jul 18, 2021 @ 17:47
By

Pimentel: ‘Masakit mabanatan ng taong tinulungan mo’

Dismayado si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III matapos siyang bakbakan ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa nangyayaring gusot sa Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Pero sa kabila nito, sinabi ni Pimentel na wala siyang sama ng loob sa pangulo. “Wala naman. Masakit mabanatan ng taong tinulungan mo,” sabi ni Pimentel sa panayam sa dzBB.

“Pero ganyan talaga ang buhay kasi nga yung information na nakaabot sa kanya, tapos si presidente, sa dami ng problema ng ating bansa, let us allow him to concentrate na sa problema ng ating bansa,” dagdag pa nito.

Sa PDP-Laban national assembly noong Sabado, sinabi ni Duterte na nagkamali umano si Koko, ang executive vice chairman ng grupo, sa pagluklok kay Senador Manny Pacquiao bilang party president.

Sabi pa ni Duterte, malaki umano ang utang ng partido sa kanya dahil matagal nang natutulog ang partido at nagising lamang noong tumakbo siya sa pagkapangulo noong 2016.

Banggit pa ng pangulo, hindi rin umano kinikilala ang mag-amang Pimentel sa kanilang bayan sa Cagayan de Oro City. Si yumaong dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel Jr. ang isa sa mga founder ng PDP-Laban.

Pinabulaanan naman ng batang Pimentel ang pahayag na ito ng pangulo.

“Kasi patay na si tatay Nene, di na makakasagot yun. Actually meron ngang taga-CDO, na nagpasa sa akin nung City Council resolution pala , after ng wake sa CDO nung 2019, may nagpasa ng resolution recognizing the effort and achievement, of their son, son of CDO si former Senate President Nene Pimentel. Yun lang yun, just to correct the statement of President Duterte that si Tatay is not even recognized sa CDO,” sabi ng senador.

“Pero yung asleep for a 100 yrs. Of course, alam na naman natin yung meaning nun, hyperbole or exaggeration. Inexaggerate lang naman niya yun,” saad pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?