28
koko1
By

Pimentel humirit ng Senate probe sa militarisasyon sa WPS

Sharing is caring!

Pinakikilos ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel ang Senate committee on foreign relations kaugnay ng iniulat na pagtatayo ng China ng missile system sa tatlong bahura ng West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Pimentel, sa pamamagitan ng pagdinig ng Senado, kailangan nilang malaman kung ano talaga ang nagaganap sa WPS para makapagmungkahi sila ng kaukulang aksyon.

“The Senate foreign relations committee should first find out what really is happening,” ani Pimentel.

Nais din nitong magbigay ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Senado ng closed-door briefing para malaman din ng mga mambabatas kung ano ang balak ng admnistrasyong Duterte.

Nagtatayo umano ang China ng missile system sa Kagitingan Reef, Panganiban Reef at Zamora Reef.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?