443
senado
By

Pimentel: Hindi ako mapapatalsik sa Lunes

Sharing is caring!

Kinontra ni Senate President Koko Pimentel III ang kumalat na papalitan na siya sa puwesto sa Lunes ni Senate Majority Leader Tito Sotto III.

Ayon kay Pimentel, walang ganitong mangyayari sa Lunes.

“Nothing will happen on Monday,” text message ni Pimentel.

Ang kumpirmado aniya ay ang caucus nilang 17 senador na kasapi ng buong majority bloc.

Una rito, sinabi ng mga source, na mayroon nang “statement of support” para kay Sotto ang 14 na senador mula sa majority bloc.

Magiging 15 pa umano pagdating ni Senador Grace Poe buhat sa ibang bansa.

Sinabi ng source na sina Pimentel at Sotto lang ang hindi nakalagda sa statement of support.

Ayon kay Pimentel, wala siyang nalalaman ukol sa sinasabing resolusyon o statement of support dahil walang binabanggit ukol dito si Sotto.

Bukas naman aniya aniya ang kanilang communication lines.

Wala namang balak si Pimentel na magsagawa ng loyalty check sa majority bloc dahil handa umano siyang mapalitan ng kahit sinong senador na ang termino ay lagpas sa Hunyo 30, 2019 para hindi mabakante ang senate presidency.

PasoK na pasok aniya sa kwalipikasyong ito si Sotto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?