66
koko-pimentel-5
By

Pimentel: Hindi ako humihingi ng extension

Itinanggi ni Senate President Koko Pimentel na hiniling niya sa majority bloc na manatili siya sa pwesto hanggang Oktubre.

Idiniin nito na nagpasya na ang mayorya na ipalit sa kaniya si Senate majority leader Tito Sotto kaya hindi na siya kokontra rito.

“I am not appealing for any extension,” sabi ni Pimentel sa isang text message.

Una rito, umugong na nakiusap siya kay Sotto na hayan muna siyang maging pangulo ng Senado hanggang sa maidaos ang state of the nation address ni Pangulong Duterte sa Hulyo at hanggang sa maikasal siya sa Oktubre.

Ito umano ang agenda ng caucus na ipinatawag ni Pimentel ngayong hapon.

Ayon kay Pimentel, tanggap niya ang desisyon ng mga kasamahan at wala siyang hinahakit dahil dito.

Sa bukod na panayam, sinabi ni Senador Panfilo Lacson na gusto ng lahat ng bumubuo ng majority bloc na iluklok na si Sotto.

Pero ipinauubaya umano nila kina Pimentel at Sotto ang pagdedesisyon kung kailan babaguhin ang liderato ng Senado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?