63

By

Pimentel dumepensa sa pagiging ‘top spender’

Nagpaliwanag si Senador Koko Pimentel kaugnay ng report ng Commission on Audit (COA) na siya ang pinakamagastos na senador noong 2017.

Mariin nitong sinabi na pangulo siya noon ng Senado at marami siyang trabaho at pinupuntahan kaya natural na mas malaki ang gastos ng kaniyang tanggapan kumpara sa ibang senador.

“That is expected. The Senate President is allocated a higher budget, because as the head of agency he also has many additional responsibilities and functions,” giit ni Pimentel.

“If it’s not the SP (Senate President) then that would be the biggest surprise!,” dagdag nito.

Diin ito, ang sorpresa ay ang atrasadong pagpapalabas ng COA report dahil inisyu dapat ito nu’ng nakaraang taon.

“But then COA should act quicker and not release 2017 findings in 2019. They should have released these the year after (in 2018!),” ani Pimentel.

Sa ulat ng COA, gumastos ang tanggapan ni Pimentel ng P127.8 milyon noong 2017.

Ang bahagi nito na P49.2 milyon ay ginamit sa suweldo at benepisyo ng kaniyang mga empleyado at staff habang may P15.7 milyon na ginastos sa professional at consultancy fees at P11.7 milyon para sa extraordinary and miscellaneous expenses.

Idiniin naman ni Pimentel na walang sinabi ang COA na may iregularidad sa kaniyang paggastos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?