78

Jul 20, 2021 @ 16:33
By

Pimentel ‘di nagsisisi sa pagsuporta kay Duterte noong 2016

Wala umanong pinagsisihan si Senador Koko Pimentel sa pagsuporta ng PDP-Laban kay Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 kahit pa siya na ngayon ang sinisisi ng pangulo sa gusot sa loob ng partido.

“Hindi, wala, wala,” pahayag ni Pimentel nitong Lunes nang tanungin kung may pagsisisi ba siya sa pagsuporta kay Duterte.

“No regrets at all, no regrets panalo ang PDP-Laban nun. We are proud to have produced a president,” dagdag pa ng senador.

Ayon pa kay Pimentel, dapat lahat ng miyembro ng partido ay magkaisa sa pagsuporta sa termino ni Duterte.

“Dapat ang PDP-Laban will support all of the good programs of the Duterte administration kasi alam n’yo isang barko lang tayo. Let’s be happy na maging successful ‘yung kapitan natin ng barko nung term na 2016 to 2022. Let’s make sure na successful s’ya dahil tayong lahat ang pasahero dyan,” pahayag pa niya.

Bagamat walang pagsisisi sa pagsuporta noong 2016, sinabi ni Pimentel na ibang usapan naman kung susuporta pa rin ang PDP-Laban sa mga pambato ni Duterte sa 2022.

“No regret sa decision pero ang nangyayari ngayon ang party is now planning for the 2022 to 2028 term, dapat klaro ‘yun… 2022 to 2028 na ‘yung pinaghahandaan, so ibang usapan na ‘yun,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?