197
koko-senate

Pimentel bumaba na sa puwesto bilang Senate President

Nagbitiw na kanina si Senador Aquilino “Koko” Pimentel bilang Senate President parang bigyang daan ang pag-upo ni Senador Vicente “Tito” Sotto” III bilang bagong lider ng Senado.

Ito’y kasunod ng paglagda ng 15 miyembro ng majority block na nagpahayag ng kanilang pagsuporta kay Sotto bilang bagong Senate President.

“I will be the one who will nominate Senator Tito Sotto as Senate president,” pahayag ni Pimentel sa isang press conference kanina.

“By a majority of all the senators, Senator Vicente C. Sotto III is hereby elected as the new Senate President to discharge the duties and powers granted to him by the rules of the Senate,” ayon resolution na binasa ni Pimentel.

Ang 15 senador na lumagda sa resolusyon ay sina Senate President Pro Tempore Ralph Recto, and Senators Sonny Angara, Loren Legarda, Joseph Victor Ejercito, Nancy Binay, Sherwin Gatchalian, Francis Escudero, Richard Gordon, Gregorio Honasan, Panfilo Lacson, Manny Pacquiao, Joel Villanueva, Cynthia Villar, Juan Miguel Zubiri, at Grace Poe.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?