198

Dec 23, 2017 @ 12:42

Piloto, sinorpresa ang OFW parents sa loob ng eroplano

Sinorpresa ng isang piloto ang kanyang mga magulang sa loob ng eroplano matapos hindi magkasama sa Pasko ng 17 taon.

Viral ngayon ang video nito sa Facebook matapos i-post ni Juan Paulo Fermin, isang piloto ng Philippine Airlines (PAL), kung saan makikita ang masayang reunion nila ng kanyang mga magulang na humamig na ng 1.8 milyong views.

“It’s interesting how dreams take form – like when a sick loved one prompts a young man to become a doctor, or being with kids who haven’t had the chance to read and write inspires one to teach; as a child, to me it was pretty simple: I wanted to fly my parents home.

“Today, after 16 Christmases apart – and unknown to my parents, I was actually part of the crew that was flying them home for Christmas.

“It’s been a wonderful year for me – a year of dreams turning into reality, and this is definitely the cherry on top. Thank you, Philippine Airlines, for this amazing opportunity.

Have a merry Christmas, everyone,” sabi nito sa FB post.

Ayon kay Fermin, umuuwi ang mga magulang niya sa Pilipinas kada tatlong taon pero 17 taon na silang hindi nakakapagdiwang ng Kapaskuhan na magkakasama.

Sinabi rin nitong namali siya ng kalkula at hindi raw 16 taon na Christmases gaya ng sinulat niya sa caption sa FB kundi 17 taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?