14,443

By

Piloto ni Kobe Bryant binalaan bago ang helicopter crash

Winarningan na umano ang piloto ng helicopter na sinakyan ni Kobe Bryant bago ang trahedya.

Sabi sa The Sun report, sinabihan na ang piloto ng air traffic control na masyadong mababa ang lipad nito bago ang fatal crash.

Sa audio footage maririnig umano ang pagsasabi ng controllers sa piloto ng: “You are too low” bago ang pag-crash.

Ibig sabihin umano, hindi na mabasa ng controller ang radar ng helicopter.

Nasabi rin ng controllers ang poor visibility sa Burbank at Van Nuys areas pero normal lang umano ang sagot noon ng piloto bago naputol ang komunikasyon nila malapit sa crash site sa Calabasas.

Nitong January 26 (January 27 sa ‘Pinas) ikinagulat ng lahat na kabilang ang NBA legend na si Bryant at anak niyang si Gianna sa siyam na katao na namatay sa pagbagsak ng private helicopter sa California.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?