13

Jul 15, 2021 @ 18:37
By

Pilot testing ng face-to-face classes maaari kung walang COVID case – Duque

Nagbigay ng ilang kondisyon si Health Secretary Francisco Duque III na dapat makamit para payagan ang pagdaraos ng pilot testing ng face-to-face classes sa bansa.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Duque na malaking bahagi pa rin ang parte ng pagbaba ng COVID cases sa isang lugar na pagdarausan ng pilot testing.

“Dapat siguraduhin muna na ang mga metrics na walang COVID cases sa isang lugar, nasa low-risk ang kanilang classification or walang reported daily new cases for the last 28 days,” pahayag ni Duque.

Kasama rin umano sa kondisyon ang pagbabakuna sa mga guro na makikiisa sa naturang gawain.

Dapat din daw ay masiguro na ang lugar na pagdarausan nito ay may sapat na health care system sakaling tumaas muli ang mga kaso ng virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?