55
Koreano-nagbigti
Aug 28, 2019 @ 18:08
By

Pillow maker biglaang nagpatiwakal

Inaalam na ng mga awtoridad ang dahilan nang pagbibigti ng isang pillow maker sa loob ng kanyang nirerentahang tahanan sa Quezon City, nitong Miyerkoles ng umaga.

Kinilala ni PLt. Nick S. Fontanilla ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), ang biktima na si Jefferson Lancero Carino, 21-anyos.

Batay sa imbestigasyon ni PCpl. Morshid D. Tanog, dakong alas-6:10 ng umaga (August 28) nang matagpuan ang nakabigting katawan ng biktima sa kisame sa bahay nito ng kaniyang pinsan na si Mark Joshua.

Ayon kay Mark Joshua, pinunutahan niya ang pinsan niyang si Jefferson upang yayain na mag-almusal subalit pagbukas niya ng pintuan nang nirerentahan nitong kuwarto ay bumungad sa kanya ang nakabigting katawan ng biktima.

Sa takot ay agad na humingi ng saklolo si Mark Joshua sa kanilang mga kapitbahay na siya namang nag-report ng insidente sa himpilan ng pulisya.

Sinabi ni Mark Joshua na wala umano siyang alam na dahilan sa pagpapatiwakal ng kaniyang pinsan dahil hindi naman ito nagsasabi sa kanya ng mga problema, pero nitong mga huling araw ay napansin na niya ang pagiging bugnutin at malungkutin ng biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?