74

Oct 30, 2020 @ 21:21
By

Pilipinas posibleng sakupin ng China – ex-AFP chief

Ginagawang biro lang ng iilan ang posibilidad ng pagsakop ng China sa Pilipinas dahil sa pagdami ng Chinese sa bansa. Ngunit para sa dating hepe ng Armed Forces of the Philippines (AFP), may isang sitwasyon kung saan mapipilitang gawin ng China ang pagkontrol sa bansa.

Ayon sa report ng South Morning China Post, ang lokasyon ng Pilipinas na pinagdudugtong ang South China Sea at Pacific Ocean ay magiging ‘key terrain’ sakaling magkaroon ng giyera sa pagitan ng Amerika at China.

Dahil dito, malaki ang tsansa na kontrolin ng China ang ‘Pinas para magkaroon ng adbantahe kung magkaroon ng giyera kontra USA.

“If you want to influence the South China Sea, you need to control these chokepoints,” saad ni dating AFP chief Emmanuel Bautista.

Ito’y kahit pa sinabi ng China na hindi ito magsisimula ng giyera kahit tumataas na ang tensyon kontra Estados Unidos. Dagdag pa ni Bautista, mas nagiging agresibo na ang China sa pinag-aagawang karagatan sa India kung saan mayroong military standoff.
“Territorial disputes in the Indo-Pacific are flashpoints that can spark a confrontation between the US and China,” lahad pa ni Bautista.
“Assuming [things] get out of hand and result in a shooting war … China will seize the Philippines.”
Isa pa sa pinunto ni Bautista ang aniya’y ‘grey zone’ na activity na ginagawa ng China sa ilang parte ng Pilipinas.
“There are already activities being undertaken by China to access the Philippines in terms of procuring or constructing airports and seaports,” saad ng retiradong heneral. “There was an effort to acquire not just Fuga Island, which is one of the chokepoints, but even the Sangley airport construction.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?