43

May 7, 2020 @ 16:55
By

Pilipinas pinadedeklarang ‘no POGO zone’

Ang pagdeklara sa Pilipinas bilang isang ‘no POGO (Philippine Offshore Gaming Operations) zone’ ang nais na mangyari ni House Minority Leader Bienvenido ‘Benny’ Abante Jr.

Batay ito sa kanyang inihaing panukalang batas na humihiling na ideklara ang buong bansa bilang ‘no POGO zone’, na kung saan mahigpit na ipagbabawal ang operasyon ng mga tinatawag na ‘social menace and a source of unimaginable corruption.’

Partikular na tinukoy sa House Bill No. 6701 o kilala bilang Anti-POGO Act of 2020 ang pagbabawal ng pagsasagawa ng ‘online games of chance o sporting events via internet’ gamit ang network at software o program, na eksklusibong sa mga offshore authorized players, na nasa teritoryo ng Pilipinas.

Oras na maipasa ang panukala, lahat ng existing licenses na ibinigay ng pamahalaan sa POGO na kasalukuyang nag-o-operate sa bansa ay kakanselahin.

Ang mga lalabag ay pagmumultahin ng mula P100,000 hanggang P300,000 bukod sa pagkakulong ng mula apat hanggang anim na taon para sa first offense habang P200,000 hanggang P500,000 at kulong na mula anim hanggang walong taon sa second offense at lima hanggang sampung milyong piso namang multa at kulong na pito hanggang sampung taon para sa third offense.

“POGO industry has made a mockery of our anti-money laundering, immigration and tax laws and has been a source of untold criminal offenses and heinous crimes related to the conduct of such operations. Most of all, it has displaced hard-working Filipino people in favor of foreign workers. It has dissipated the energy and resources of our people and that there is a need to effectively combat this social menace because of its increasing danger to the State and its citizens,” ayon sa panukala.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?