42

By

Pilipinas nakakuha ng puwesto sa UN Human Rights Council

Sharing is caring!

Magkakaroon ng upuan sa United Nations Human Rights Council ang Pilipinas matapos pumabor ang konseho ng UN nitong Biyernes.

Sa botong 165 sa 192 boto galing sa mga miyembrong nasyon, magkakaroon muli ng tatlong taon ang ‘Pinas sa 47-member council na tatakbo mula 2019 hanggang 2021.

Kasama ng Pilipinas na sasalo sa UN Human Rights Council ay ang mga bansa ng Bahrain, Cameroon, Somalia, Bangladesh, and Eritrea.

Ang pagkaluklok ng ‘Pinas sa nasabing konseho ay hindi pinaburan ng lahat, lalo na ang human rights group na mula New York na Human Rights Watch.

“UN member countries should show their outrage at the Philippines and Eritrea by leaving two spots on the ballot sheet blank and keeping them off the council,” saad ng UN director ng HRW na si Louis Charbonneau.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?