120

Nov 25, 2019 @ 19:57
By

Pilipinas, mahal ng mga Korean – SoKor president

Inimbitahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumisita sa Pilipinas si South Korean President Moon Jae-in.

Nangyari ito sa bilateral meeting niya kay Moon kung saan apat na kasunduan ang nalagdaan sa pagitan ng Pilipinas at South Korea sa larangan ng tourism, fisheries, education at social security.

Nasa South Korea si Duterte para sa ASEAN-Republic of Korea Summit sa Busan.

Ito na ang ikalawang beses na bumisita siya sa SoKor matapos ang official visit niya sa Seoul noong 2018.

Inihayag naman ni Moon ang pagmamahal ng mga Korean sa Pilipinas.

“The Korean people love the Philippines. Koreans are the number one visitors to the Philippines,” saad ni Moon kay Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?