By

Pilipinas, kumalas na sa Rome Statute na lumikha ng ICC

Sharing is caring!

Kumalas na ang Pilipinas sa Rome Statute, ang tratado na lumikha at kumikilala sa kapangyarihan ng International Criminal Court (ICC).

Ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte, tila mayroon sabwatan o kutsabahan sa mga special rapporteurs ng United Nations (UN) para ipalabas na siya ay marahas at walang puso para mabigyan katwiran ang bintang na extra judicial killings sa kanyang anti-drug war.

Maaga aniyang isinapubliko ng ICC ang preliminary examination na lumikha ng impresyon na kakasuhan siya dahil sa maramihang pagpatay sa ilalim ng kanyang hurisdiksiyon.

Sinabi ni Pangulong Duterte na lahat ito ay paglabag sa due process at constitutional presumption of innocence.

Idinagdag pa ng Presidente na pag-upo pa lang niya bilang Pangulo ng bansa ay kapuna-punang mayroon nang pag-atake ang United Nations at kanilang rapporteurs sa kanyang pagkatao at sa kanyang administrasyon na lalong umigting nang ilarga ang war on drugs.

Ang mga akusasyon ng UN ay nagdulot ng masamang impresyon sa kanya ng publiko at ginawa agad siyang guilty sa buong mundo.

Taliwas aniya ang ginagawang ito sa kanya sa nilagdaang tratado na dapat masunod ang itinatakda ng batas sa due process na aniya ay international accepted principles of justice.

“Given the baseless, unprecedented and outrageous attacks on my person as well as against my administration, engineered by the officials of the UN as well as the attempt of the ICC special prosecutor to place my person withtin the jurisdiction of the ICC, in violation of due process and the presumption of innocence expressly guaranteed by the Philippine Constitution and recognized no less by the Rome Statue, I therefore declare and forthwith give notice as President of the Republic of the Philippines, that the Philippines is withdrawing its ratification of the Rome Statue effective immediately,” ang bahagi ng mensahe ni Pangulong Duterte na inilabas ni Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo.

Kabilang sa mga paratang kay Duterte ay genocide, war crimes, crime of aggression o crime against humanity.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?