8

By

Pilipinas hindi nagpapaapi sa China – Sotto

Sharing is caring!

Kinontra ni Senate President Vicente Sotto III ang sinabi ni dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario sa kusang nagpapaapi sa China ang Pilipinas ngayong Duterte administration.

“Hindi ako naniwalang nagpapaapi tayo. Maraming may hindi alam sa ginagawa ng National Security Council,” ani Sotto sa panayam ng Super Radyo DZBB.

Wala aniya itong kaibahan sa hindi pagpapa-api ng mga Filipinong basketbolista kapag ginigitgit ng mga dayuhang kalaban.

Diin ni Sotto, maraming ginagawa ang gobyerno, particular ang National Security Council (NSC) para protektahan ang teritoryo nito at maipaglaban ang West Philippine Sea.

Hindi lamang umano maligalig ang mga opisyal ng administrasyon.

“Ang pinag-uusapan ngayon ay atin yung atin. Yung nasa international waters, sharing tayo kung ano man ang meron dun,” dagdag ni Sotto.

“Nung NSC meeting namin, ang usapan namin doon, dapat nga hindi ko sabihin sa inyo, pero in gist, inaangkin din naman natin ‘yun (West Philippine Sea). Hindi lang tayo ma-broadcast, alam ng China na inangkin natin iyon,” dagdag ni Sotto.

Una rito, sinabi ni Del Rosario na “willing victim” ang Pilipinas sa pang-aabuso ng China.

Si Del Rosario ang kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA) noong Aquino administration.

Pinangunahan nito ang pagsasampa ng arbitration case laban sa China sa Permanent Court of Arbitration na nasa Netherlands.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?