0
views
ABANTE florin hilbay scarborough shoal
By

Pilipinas hindi gigiyerahin ng China sa WPS – Hilbay

Sharing is caring!

Hindi umano dapat matakot ang Pilipinas na magprotesta nang paulit-ulit kaugnay ng pagkubkob ng China sa West Philippine Sea (WPS)/South China Sea (SC).

Sinabi ni dating Solicitor General Florin Hilbay na tiyak naman na hindi gagawa ng marahas na hakbang ang China para makabwelta sa Pilipinas.

Lalo na umanong hindi gigiyerahin ng China ang Pilipinas trilyong dolyar ang halaga ng negosyo na dumadaan sa pinag-aagawang WPS.

“Ang Tsina mismo walang interest na makipag-gyera sa ‘tin dahil limang trilyong komersyo nakalagak sa South China Sea na ‘yan,” sabi ni Hilbay.

Si Hilbay ang tumayong abogado ng gobyerno sa Permanent Court of Arbitration (PCA) kung saan kinuwestyon ng Pilipinas ang pag-aangkin ng China sa halos buong WPS.

Nanalo ang Pilipinas sa arbitration case pero hindi lumahok ang China sa arbitration at hindi rin nito kinikilala ang ruling ng PCA.

Lumabas ang ruling sa loob na ng Duterte administration noong 2016.

Ilang ulit nang sinabi ng Pangulo na hindi siya makikipaggyera para maangkin ng bansa ang WPS dahil hindi kakayaning tapatan ng militar ng Pilipinas ang Peoples Liberation Army ng China.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?