160
Pilipinas gagawing Maharlika, hindi uubra ang EO - Panelo
By

Pilipinas gagawing Maharlika, hindi uubra ang EO – Panelo

Sharing is caring!

Kailangan munang maamyendahan ang Konstitusyon bago mapalitan ang pangalan ng Pilipinas sa Maharlika.

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos ilahad ni Pangulong Rodrigo Duterte na gusto niya ang ideya noon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na palitan ng pangalang ” Maharlika” ang Pilipinas.

Sinabi ni Panelo na hindi uubra ang Executive Order (EO) para palitan ang pangalan ng Pilipinas sa Maharlika dahil kailangan munang maamyendahan ang Konstitusyon.

“There are views of these pero hindi pa masyadong clear. Philippines is mentioned in the Constitution. So if you issue an executive order or pass a legislation renaming it, so baka …you cannot amend that its in the Constitution,” ani Panelo.

Hindi masabi ng kalihim kung seryoso si Pangulong Duterte pero magandang pakinggan aniya ang “Maharlika” dahil sumisimbolo ito ng royalty.

Sinabi pa ni Panelo na malawak na debate ang pagpapalit sa pangalan ng Pilipinas kaya mas mainam na pag-aralan muna ito.

“Pero mas preferred siguro ang constitutional amendment para wala nang kuwestiyon,” dagdag pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?