21

By

Pilipina pinarangalan sa ASEAN Summit, pinagmalaki ng Palasyo

Sharing is caring!

Nasungkit ng isang Pilipina ang ASEAN Prize 2018 sa pagbubukas ng 33rd Association of South East Asian Nations (ASEAN) Summit sa Singapore.

Ipinagmalaki ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang parangal na iginawad kay Erlinda Ur Koe ng ASEAN Sociery Philippines at ASEAN Autism Network.

Mismong si Singapore Prime Minister Lee HsienLoong ang nagbigay ng parangal kay Koe habang nasa nasa harapan naman ng entablado si Pangulong Rodrigo Duterte.

“The Palace wishes to congratulate Ms. Erlinda Uy Koe of the ASEAN Society Philippines and the ASEAN Autism Network (AAN) for winning the ASEAN Prize 2018 and bringing tremendous pride and great honor to the country.

Ms. Koe was conferred with the premier award during the Opening Ceremony of the 33rd ASEAN Summit and Related Summits in Singapore on Tuesday, November 13,” ani Panelo.

Tumanggap din ng cash prize si Koe na nagkakahalaga ng $20,000.

Sinabi ni Panelo na malaki ang nagawa ni Koe para mapahusay ang buhay ng mga taong may autism, na sumasagisag sa katangian ng ASEAN bilang inclusive, matatag, people-oreinted at people-centered community.

Sinabi ni Panelo na tunay na maipagmamalaki ang mga naging kontribusyon ni Koe at naway maging inspirasyon ito sa lahat ng mga pilipino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }