651

Nov 20, 2021 @ 12:47
By

Pilikmata ni Maine ‘nakalbo’

Bangungot ang sinapit ni Maine Mendoza sa paggamit ng eyelash curler.

Sa Instagram, ipinakita ni Maine na halos naubos ang pilikmata niya sa kaliwang mata matapos sumama sa curler.

“Eyelash curler nightmare!!!” caption ni Maine.

“Swipe left to see what happens when you put too much pressure on an eyelash curler (without finger rings)… you get a chunk of your lashes ripped out in a flash,” dagdag niya.

Kaya naman pinayuhan niya ang kababaihan na maghinay-hinay sa pagki-curl ng pilikmata para hindi ito “makalbo”.

“Girls, go easy when curling if you don’t want a semi-kalbo lid.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?