72

‘Pig King’ ipinarada sa China

Isang malaking baboy ang ipinarada sa China para sa nalalapit na Chinese New Year sa Pebrero 5.

Isang “Pig King” challenge ang ginanap sa Sichuan nitong Martes para madetermina ang magiging “hari” ng mga baboy dahil ang darating na Chinese New Year ay “Year of the Pig”.

Nanalo ang baboy na nagtitimbang ng 148 stone o katumbas ng 2,073 pounds.

24 na lalaki ang kinailangan para mabuhat sa kanyang cart ang naturang dambuhalang baboy sa Meishan city, Renshou County.

Ayon sa may-ari na si Yang Mao, ang naturang baboy ay produkto umano ng “experimental” breeding.

Hindi ito kinatay para malaman ang lifespan nito at hanggang saan nito kayang lumaki. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?