19

Mar 24, 2020 @ 21:15
By

Pierce muntik maging kriminal

MAY yugto sa buhay ni NBA champion Paul Pierce na nagdala siya ng baril at handang pumatay.

Taong 2000 sa isang Boston nightclub, nasaksak ang noo’y star ng Celtics na si Pierce.

Nangyari ‘yun ng September, bago magsimula ang pangatlong season niya sa Boston.

Nasa Buzz Club daw siya, may nakausap na isang babae. Maya-maya, sinaksak na siya.

Walong saksak ang inabot ni Pierce.

Pagkatapos ng insidente, na-aning daw ang No. 15 sa all-time scoring list.

Inamin ni Pierce sa All The Smoke podcast nina Matt Barnes at Stephen Jackson na na-trauma siya sa insidente at na-paranoid.

Hindi nga raw siya napagkakatulog noon.

“I had to have a 24-hour police surveillance in my house, that’s how paranoid I was,” balik-tanaw niya.

Sa sobrang pag-aalala pagkatapos, dalawang taon daw siyang nagdala ng baril at handa nang pumatay kapag may nagtangka pa ulit sa kanya.

“It changes you, dude. You don’t know where to go, you don’t know who to look at, you on your toes,” wika pa ni Pierce sa podcast. “You’re like, really on your toes, like, ‘Man, I’ll kill somebody.’”

“People don’t know this, but I actually carried a gun for two years right after that,” dagdag niya. “I was so paranoid. Like, I kept it in the car, I had it on me. I was so paranoid after that. I was just like, I couldn’t be in crowds.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?