31

Sep 19, 2021 @ 18:13
By

Pido, Slaughter bumawi! Northport wagi

Sa pagkakataong ito, hindi na inilabas si Greg Slaughter sa huling defensive play ng Northport Batang Pier, at hindi naman niya pinahiya ang koponan.

Sinupalpal ni Slaughter ang panabla sanang tres ni Gabe Norwood at nailusot ng Northport ang 91-88 overtime na panalo laban sa Rain or Shine Elasto Painters ngayong Linggo.

Matatandaang nabalot ng isyu ang huling laro ng Batang Pier dahil inilabas si Slaughter sa huling inbound play na naging daan para matalo sila via game-winning shot.

Ngayon, nanatili si Slaughter sa court at nagtala ng 25 points, 11 rebounds at anim na supalpal, katambal ang 24 points, six rebounds at seven assists ni Robert Bollick at napaganda ng Batang Pier ang kanilang kartada sa 5-5.

May tsansa na sana ang Painters na itabla ang laro bago pa ang nasupalpal na tres ni Norwood ngunit walang naipasok si James Yap sa tatlong free throw niya may 5.6 segundo na lamang sa orasan.

Nanguna para sa Painters si Jewel Ponferrada na may 17 points, at nagdagdag naman ni Beau Belga ng 11 points.

Tapos na ang elimination round campaign ng Rain or Shine sa 6-5 kartada, at maghihintay sa iba pang mga laro bago malaman ang kanilang kapalaran sa playoffs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?