467

Nov 7, 2017 @ 11:14
By

Picture ni baby “T” ni Pauleen Luna, nakakabitin

Masisilip na sana ng netizens sa kauna-unahang pagkakataon ang mukha ng newborn first baby nina Pauleen Luna at Vic Sotto pero nilagyan ng heart drawing ang mukha ng bata.

‘Yun nga lang nabinyagan agad ang sanggol ng bashing mula sa isang follower sa socmed account ni Ruby Rodriguez.

Pinost ni Ruby sa Instagram account niya ang baby nina Pauleen at Vic na karga-karga niya.

@rodriguezruby, “May peekaboo si Baby T. Just love the smell of babies. Orlog ng orlog (tulog nang tulog). First karga ko jinutotan (inututan) agad ako. Anak ka nga ng nanay at tatay mo!! Love you baby! Congratulations to my bff @pauleenlunasotto and bossing. Motherhood becomes you.”

Umani ng congratulatory messages at well-wishers ang posting na ito ni Ruby, pero isa sa mga followers ang nagma-asim dahilan para mag-react at rumesbak ng depensa niya ang Eat Bulaga comedienne-host.

@elsprincess23, “Bakit po ba di pinapakita mukha ng bata? May diperensya po ba?”

@rodriguezruby, “@elsprincess23 of course not!! Dapat lang magulang ang mauna hindi ba? Di lang pinakita may diperensya na? Sobra naman ata!”

Siyempre, rumescue ang mga nagmamahal sa mag-asawang Pauleen at Vic kaya kinuyog ng mga maaanghang na salita ang basher.

Kung hindi kasi nag-post si Ruby ng mukha ng sanggol at nilagyan niya ng takip, ‘di makakatikim ang bata ng masakit na comment.

Anyway, sinusulat ang item na ito ay wala pang face photo na ina-upload si Pauleen sa kanyang socmed account.

Sigurado namang ‘di ito ipagdadamot ni Pauleen lalo’t first baby niya ito at isa siya sa mga active celebrity user ng Instagram.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?