731

Dec 30, 2017 @ 18:57
By

Piccolo, No. 1 pa rin sa firecracker-caused injuries

Hindi pa rin natitinag ang piccolo sa pangungunang ugat ng disgrasya dahil sa mga paputok.

Base sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH), 64 porsiyento ng mga naitalang firecracker-caused injuries ay dahil sa piccolo.

Sa Aksyon: Paputok Injury Reduction 2017 ng DOH, lima pang kaso ng pagkakasugat dahil sa mga paputok ang naitala.

Bunga nito, umakyat na sa 77 ang bilang ng mga insidente.

Nabatid na 57 sa naturang bilang ay sanhi ng paggamit ng mga iligal na paputok at 49 naman dito ay dahil sa piccolo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?