mia
By

Piccio, Guce may barya; Ardina nganga

Sharing is caring!

Napabilang lang sa pitong magkakasalo sa ika-51 puwesto na may total 215 at baryang premyong US$623 si Mia Piccio, habang nasa tatlong magkakasalo sa ika-57 na may $546 si Clariss Guce sa katatapos na Four Winds Invitational sa Blackthorn Golf Club sa South Bend, Indiana.

May pinaleng nahampas lang si Piccio sa pangatlo’t huling yugto na 71 tapos ang unang dalawang araw na tig-72, samantalang naka-75 si Guce kasunod sa 71-70 sa torneong pampito sa may 20 bahagi ng 13th Symetra Tour 2018.

Iwan ng 10 palo si Piccio sa nagkampeon at kumita ng $22,500 na si Maia Schechter ng Estados Unidos na may final round 66-pa-11-under 205, one-stroke winner siya laban kina Eun Jeong Seong ng South Korea (65-206) at Louisa Stahle ng Sweden (72-206).

Samantala, hindi kumita kahit isang kusing ang isa pang Filipina pro golfer na kumakayod sa Tate na si Dottie Ardina nang ma-cut sa kawawakas lang ding Shoprite LPGA Classic Presented By Ace sa Galloway, New Jersey.

Nakaradar ang tatlong Pinay sa pangwalong yugto ng 2018 ST na $130,000 Decatur-Forsyth Classic sa Decatur Illinois sa Hunyo 15-17.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?