27
Mga tindahang nagbebenta online ng face masks sinalakay ng BOC
Mar 31, 2020 @ 16:05

PICC, Rizal Memorial Coliseum, World Trade Center iinspeksyunin para maging pasilidad na may kaugnay sa COVID-19

Magsasagawa na ng inspeksiyon ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Philippine International Convention Center (PICC), Rizal Memorial Coliseum, at World Trade Center dahil balak itong gawing pasilidad para sa pagsuri at pagsubaybay sa mga pasyenteng nagtataglay ng COVID-19.

Pinakilos na ni DPWH Secretary Mark Villar ang pinuno ng DPWH Task Force to Facilitate Augmentation of Local and National Health Facilities Undersecretary na si Emil Sadain upang magsagawa ng inspeksyon at makipagpulong sa Department of Health (DOH), UP-Philippine General Hospital, technical members ng DPWH Task Force, management officials ng PICC, World Trade Center, Philippine Sports Commission (PSC) at mga kinatawan ng EEI Corporation, Ayala Development Corporation, Makati Development Corporation at Razon Group of Company para sa naturang plano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?