430

By

Pialago ginawang Assistant Secretary; Manalo bagong Ambassador to Germany

Sharing is caring!

Nagtalaga ng mga bagong tao sa gobyerno si Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang sa mga bagong opisyal ng gobyerno ay sina Andres Yuseco Narvasa Jr., bilang board of directors ng United Coconut Planters Bank (UCPB); Metropolitan Manila Development Authorithy (MMDA) spokesperson Celine Pialago, na ginawang Assistant Secretary; at Foreign Affairs Undersecretary Enrique Austria Manalo na itinalaga naman bilang PH Ambassador to Germany.

Si Narvasa ay anak ni dating Chief Justice Andres Narvasa.

Bagong appointees din sa Malacañang sina Victor Atok del Rosario, bagong commissioner ng National Youth Commission na kumakatawan sa Visayas; Richard Thomas Joson, bilang miyembro at board of directors ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority.

Naunang inanunsiyo ngayong Biyernes ang paghirang ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Court of Appeals Associate Justice Jose Reyes bilang bagong miyembro ng Korte Suprema.

Ang iba pang hinirang ng Pangulo ay itinalaga bilang directors sa Bureau of Internal Revenue, Insurance Commission at Department of Finance.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?