21

Pia Wurtzbach, wish na maging leading lady ni James Bond

Sharing is caring!

Umaasa pa rin si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na matutupad ang pangarap na maging leading lady sa James Bond movie.

Sa panayam, sinabi ni Wurtzbach na alam umano ng buong Miss Universe Organization ang tungkol sa kanyang mithiin at umaasa pa rin siyang matutupad ito.

“Nakabantay ako doon kasi alam kong may lalabas na bago. They are really trying to experiment already with the cast so it means that it’s gonna be really different this time. Even sina Esther (Swan), Miss Universe, IMG, they all know that I want something like that. If not that, something like that,” aniya

“Busy kasi ako dito. Dapat nandoon ako so I get stuff there. For example, we’ll start first as leading lady sa music videos and then we’ll slowly work our way up. But it’s still there. It’s still at the back of my mind,” dagdag pa niya.

Maliban sa kanyang mga proyekto sa showbiz, abala rin si Wurtzbach sa mga responsibilidad nito bilang Miss Universe ambassador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?