103

Oct 17, 2021 @ 11:10
By

Pia Wurtzbach windang sa alon

Kasalukuyang nagliliwaliw si Pia Wurtzbach sa South Africa kasama ang kanyang mga kapwa beauty queen.

Sa kanyang Instagram post nitong BIyernes, makikita si Miss Universe 2015 kasama sina Miss Supranational 2nd runner-up 2021 Thato Thelma Mosehle, Miss Universe 2019 Zozibini Tunzi, Miss South Africa 2020 Shudufhadzo Musida, Miss Universe South Africa 2020 Natasha Joubert, at Miss Universe 2018 1st runner-up at Miss South Africa Tamaryn Green sakay ng isang yate.

Habang binabaybay ang dagat, sinalubong naman sila ng malakas na hampas ng alon.

Ngunit imbes na matakot, napahalakhak na lang ang modelo.

https://www.instagram.com/p/CVDTzIiBYHA/?utm_source=ig_embed&ig_rid=ee5b9c9c-b842-4081-a0c6-8fb3b876f57f

“Ladies, let’s cruise…away from here 🎶💙 Perfect day ender to sail into the sunset,” caption niya.

“My favorite is the last clip of us girls battling with the wind & waves, and having a laugh about it! 😂💙” dagdag pa niya.

Kasalakuyang nasa South Africa si Pia para sa Miss South Africa 2021 kung saan kabilang siya sa selection panel. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?