440

Oct 25, 2017 @ 11:39

Pia Wurtzbach ‘super-nganga’ sa jokes ni Vice Ganda

By GLENN REGONDOLA

Marami nga ang nakakapuna na medyo nangangapa pa talaga si Pia Wurtzbach bilang bagong host ngayon ng It’s Showtime! May ilang instances kasi na tila hindi pa nito gamay ang spiels na minsan nga ay natatawa sa kanya si Vice Ganda.

Minsan din, hindi ito makahabol sa mga pagbibiro ni Vice. But then, understandable naman ito para sa dating Miss Universe.

Hindi naman talaga siya namulat sa TV hosting lalo na ng isang daily show kahit noong nagsimula sa showbiz.

At saka, kahit sino namang bagito sa anumang larangang pinasok ay talaga namang malaki ang adjustments na gagawin.

Mabilis namang mag-cope up si Pia sa anumang situwasyon kaya in no time ay makakasabay din ito kay Vice at sa iba pang hosts.

Dagdag-ganda nga ang pagiging host niya dahil nagdagdagan din ang mga kalalakihan na nanonood nito dahil hanggang ngayon pa rin naman ay marami ang nagpapantasya kay Queen Pia.

Pero ang tanong ng karamihan, hanggang kailan ba sa show si Pia? Baka raw after maipalabas na ang movie nila ni Vice na pang-Metro Manila Filmfest ay matsutsugi na rin ito?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?