323

By

Pia Wurtzbach sinisisi sa pagkatalo ni Rachel Peters

Sharing is caring!

Bawal magpagupit ngayong araw na ito! Mainit ang ulo ng mga beki! Baka kalbuhin kayo!

Isa ito sa mga nakakatawang tweets ng netizens noong hindi makapasok sa Top 5 ang Philippine representative natin sa Miss Universe na si Rachel Peters.

Maraming beki ang nadismaya dahil maganda naman ang pinakitang performance ni Rachel sa swimsuit at evening gown competition. Pero tulad nang laging sinasabi ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz, suwertehan ang manalo ng Miss Universe. Maaaring ikaw na ang pinakamaganda sa grupo pero kung hindi ka type ng judges, hindi ka pa rin mananalo.

Pinakita naman na parating nakakasama sa top choices sa online voting si Miss Philippines.

Pero marami ang nagtaka kung bakit hindi pa rin ito nakapasok ng Top 5, considering na isa sa mga hurado ay si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Hindi dapat sisihin si Pia kung bakit hindi nakaabante sa Top 5 si Rachel dahil isa lang siya sa sampung nakaupong hurado ng Miss Universe.

Kung magbigay man ng score na 10 si Pia, pero ang siyam na kasama niya ay mababa ang score na ibigay kay Miss Philippines, walang magagawa si Pia.

Kumbaga, it’s beyond her control na at hindi niya puwedeng maimpluwensyahan ang ibang hurado. (Ruel Mendoza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?