33

Jan 11, 2022 @ 10:23
By

Pia Wurtzbach sinabihang deserve niya ang ma-COVID

Sa gitna ng pagkakasakit ng COVID-19 ay sadyang matalas pa rin ang dila ng isang basher ni Pia Wurtzbach.

Ang isa umano sa mga ito, sinabihan ang dating Miss Universe na deserve niya ang mag-positibo sa virus.

Ang mapanakit na komento ay pinost ng isang netizen sa Instagram post ni Pia noong Enero 7 kung saan din niya inanunsyo na siya at ang kanyang kapatid ay nagpositibo sa COVID.

Binura na ni Pia ang komento ngunit binanggit pa rin ito ng beauty queen sa comment section.

“I deleted it already pero may nag comment pa na I deserved this cos I travel?” saad ni Pia.

“And that I had it coming? Kilabutan sana kayo sa mga sinasabi nyo. Iba na talaga mundo ngayon. Sana di nyo maranasan to,” dagdag pa ng beauty queen.

Sa kabila ng isang masakit na komento, mas marami naman ang nagtanggol kay Pia mula sa kanyang mga taga-suporta na netizen. (MJD)

Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?