15

Jan 21, 2021 @ 15:08
By

Pia Wurtzbach “pressured” noong Miss U pa siya

Inamin ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na nakaramdam siya ng “pressure” matapos masungkit ang korona limang taon na ang nakakalipas.

Sa isang laro sa Instagram na “True or False,” tinanong siya ng isang netizen kung nakaramdam ba siya ng pressure matapos manalo bilang Miss Universe.

“Oo naman,” sagot ni Wurtzbach.

“I felt like it was the beginning of work and then I had to prove every day why I deserved that crown, especially with the way it happened,” dagdag pa niya,

Matatandaang naging matunog ang pagkapanalo ni Wurtzbach noong 2015 dahil sa maling pagka-anunsyo ng host na si Steve Harvey ng pangalan ng nanalo.

Inanunsyo ni Harvey si Miss Colombia Ariadna Gutierrez Arévalo ng Sincelejo, Colombia ang nanalo sa naturang pageant ngunit agad din itong binawi.

Inalis kay Arèvalo ang korona at inilipat kay Wurtzbach.

Si Wurtzbach ang ikatlong nakasungkit ng koronang Miss Universe para sa bansa.

Una na itong nasungkit nina Gloria Diaz noong 1969 at Margarita Moran noong 1973.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?