675

Nov 2, 2017 @ 23:01

Pia Wurtzbach natanso ng Fil-Canadian na bading

Noong isang araw ay natiyempuhan namin si Pia Wurtzbach na naka-Instagram Live.

Katsika niya ang kanyang boyfriend na si Marlon Stockinger kung saan ay nagkukumustahan sila.

Nasa Bali, Indonesia ang ating Miss Universe para sa kanyang Halloween getaway.

Saglit lang ang tsikahan na ‘yun ng mag-dyowa na halos umabot sa 3,500 ang naka-live views sa dalawa at inuulan sila ng sandamakmak na comments.

Matapos magpaalamanan sa isa’t isa, nag-focus naman si Queen Pia sa kanyang mga tagahanga. Naghanap siya nang makaka-live IG tsika niya at tatlo ang kanyang napili.

Bongga ang guwapong Fil-Canadian dahil kinantahan pa siya nito ng All of Me na tuwang-tuwa naman si Pia. ‘Yun nga lang, marami ang nadismaya dahil beki pala ang guwapong faney niya. Ha! Ha! Ha! Kalurks!

Pero dahil sa ganda ng boses nito, nagbiro si Pia na ano raw kaya magpa-singing contest siya sa IG Live? Why not coconut!

Anyway, sobrang hot ng suot ni Pia na naka-swimwear ito at kita ang cleavage ng kanyang mayamang boobsie wonderland, huh!

Kahit half-body lang siyang nakikipagkuwentuhan, oozing with sexiness talaga ang Miss U!

For sure, ‘yung sobrang daming nanonood sa kanya, malaking percentage dito ang mga anak ni Adan, noh?

Lalo na nga at naglalabasan ang ilang ilang pictures in skimpy bathing suits, e, ‘di lalong nag-init ang mga ito.

Talagang chicka trip siya ng araw na ‘yun kaya tuwang-tuwa ang mga lomolodi sa kanya. Kami rin, enjoy habang pinapanood namin siya, huh!

Umabot din ng mahigit 30 minutes ang IG Live na ‘yun ni Pia, sa totoo lang!

Kakai Bautista hinayang na hindi natikman si Ahron Villena

Hayan, hinihintay na naman ng publiko ang pagde-denounce ni Ahron Villena tungkol sa ibinulgar ni Kakai Bautista sa guesting nito sa Gandang Gabj, Vice!

Dito nga ay inamin ng Dental Diva na kahit hindi naging sila ni Ahron, natikman naman nito ang mga labi niya.

At matagal ang naging halikan nila ha? At talagang masarap daw ito!

Ikaw na, Kakai! Ikaw na!

Kahit ibinuking din siya ng kaibigan niyang si Kim Chiu na maraming beses ang dalawa na magkasama sa rod trips at sa abroad, iginiit naman ni Kakai na hati sila sa gastos.

Hinayang na hinayang nga ang putah na walang nangyari sa kanilang dalawa lalo na at aminado siyang minahal niya ito at umasa siya. Para nga raw siyang Ghost Bride na naghihintay sa wala.
Ngangey, kumbaga!

Naku, matapos i-deny ni Ahron na naging sila at mag-dayalog na, there was never an us, ano naman kaya ang sasabihin niya sa mahabang kissing scene nila ni Kakai?
Abangan!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?