227

Nov 21, 2019 @ 20:50
By

Pia Wurtzbach muse ng PH sa 2019 SEA Games

Bukod sa mga magagaling na atleta, bubuhos din ang mga nagsisigandahang dilag sa paparating na 2019 Southeast Asian Games.

Sa Nobyembre 30 sa Philippine Arena, Bocaue, Bulacan ay dadalo sa biennial meet ang ilang mga beauty title-holder, kabilang na ang 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach para irepresenta ang Pilipinas.

Ilan pang mga beauty queen ang sasalang, ito ay sina Miss Intercontinental 2018 Karen Gallman para sa Brunei, Miss Multinational 2017 Sophia Senoron para sa Cambodia, Miss World 2013 Megan Young para sa Indonesia, Miss Eco International 2018 Cynthia Thomalia para sa Laos, Miss International 2006 Lara Quigaman para sa Malaysia, Miss Earth 2017 Karen Ibasco para sa Myanmar, Miss Earth 2014 Jamie Herrel para sa Singapore, Miss Earth 2015 Angelia Ong para sa Thailand, Miss Tourism 2017 Jannie Alippin para sa East Timor, at Miss Asia Pacific International 2018 Shafira Akeel para sa Vietnam.

“[The SEA Games ceremony] really takes the best of us, that we’re more alike than we are different,” ayon kay FiveCurrents creative director Libby Hyland, isang US-based content and events team na hahawak sa opening ceremony ng SEA Games.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?