188

Pia Wurtzbach, Marlon Stockinger matagal nang hiwalay

Matapos ang ilang buwang spekulasyon, kumpirmado na ang break-up ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Marlon Stockinger.

Sa report ng Pep.ph, kinumpirma ni Rikka Infantado-Fernandez, business manager ni Pia, na wala na ang dalawa.

Noong Oktubre ngayong taon pa umano naghiwalay ang dalawa, na ayon kay Rikka ay matagal nang nagkakalabuan.

Sa Instagram ay noong Marso pa ang huling post ni Pia kasama si Marlon, at ang iba pang larawan ay burado na.

Hindi na rin naka-follow ang isa’t isa sa Instagram.

Sa report naman ng Philstar, sinabi na kaya lang nagtagal ang dalawa dahil laging wala sa bansa si Pia, kung nandito daw ang Miss U titlist sa bansa at kasama si Marlon ay matagal na umanong naghiwalay ang dalawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?